Monday, November 29, 2010

Kung Ikaw ang Jackpot Winner...

It's Nov 29, 2010- Holiday- Bonifacio Day and it's Monday. Walang  operation sa ilang company but in our company i need to be in the office as early as 7:30am. May kausap ako 8am but to my dismay, 10am na walang dumating ni walang abiso sa cellphone ko kung darating pa nga ba. 5 minutes before 9am habang naghihintay sa wala, naramdaman ko na ang ilang empleyado nagmamadaling pumasok sa kanikanilang stations. Para maalis ang antok ko dahil 5am pa lang gising na ako, i decided to mingle with our people who decided to work today. Habang pinapakiramdaman ko kung sino ang pwede kong asarin bigla pumasok si JR. May dalang "Inquirer LIBRE".  Basa Horoscope....ayun o! 738M Lotto Price! Wala pang nananalo! Siyempre nasa finance department ako, kuha agad ako ng calculator. Ngek! kulang ang digits ng calcu ko! Baka si blackerry carry niya 9 digits! Wa epek rin! so 3 digits na lang- 738 dibay dibay 12 months (e gusto kong gastusin ang 738M sa loob lang ng isang taon, anu  paki niyo?) Wow! 61.5M monthly ang kailangan kong ubusin! Sobra naman yata yun! Let's try in 9 years. Sus! 6.8M. Malaki pa. Let's try in 12 years. 5.125M monthly ang dapat kong gastusin? Pwede na! Imagine sa loob ng 12 years obligado kang gumastos ng 5M monthly? Bigla ko naisip, anu kaya may policy? Kapag hindi mo yan nagastos kailangan mong itapon ang hindi mo magagastos or else, hindi mo pwede gamitin ang next 5.125M budget mo next month! Sana ganito kaganda ang problema ng lahat ng tao... kung panu gagastos ng 5M monthly.

Kung ako mananalo ng 738M Pesos? Anu ang gagawin ko? Yung 10M, ay hindi pala! Gawin na nating 20M. Teka, sige na nga...50M na! Hay! May pera na nga namrublema pa! 50M ibibili ko lahat ng luxury: Bahay, sasakyan at wardrobe. Siyempre automatic na dun yung immediate family ko damay sa biyaya: Kay momi: bahay namin na sarili at sa taas e paupahan na mga rooms for students kahit siguro 3 storey lang, kay dadi papalitan ko lang ng diesel engine yung gasoline engine ng nabili niyang vintage na toyota crown sa halagang 25k mula sa pension ng SSS ni momi last year. Sabi ni dadi 35k lang daw yung diesel engine may makukuha na siya. Yung bibilhin kong makina sasamahan ko na ng bonus na German Shepherd tsaka Labrador! Kay ate: puhunan sa grocery at kay brother in-law Multi-Cab biyahe calauag to centro ng Naga City. Sa 3 pamangkin ko: time deposit for their schooling hanggang college with bonus desktop computer at smart bro. Ayaw ko pakabitan sila ng net sa bahay. Baka kung anu anu matutunan.. Maganda na yung kontrolado pa rin ang paggamit nila sa net. Pano ako? Mag bubusiness siyempre! Gusto ko franchise ng Jollibee :) Kasya na kaya 50M?

Anu bang tanong yan? 50 thousand lang sobrang biyaya na! 50M na pinagdudahan pa kung hanggang saan aabot? Ang tao nga naman, sa may pera sa wala may problema pa rin. Bigla ko naisip, walang magbabago ng cellphone! Sige, pamilya ni ate bibilhan ko na lang ng digi cam. Ganun din sina momi at dadi bigyan ng digi cam. Karaniwan kasing dahilan kung baket magbabago ng cellphone "dapat may camera...dapat may video" Sus! yun lang pala, e di bumili ng digi cam. Mamili ka, buwan buwan bili ng bili ng cellphone kasi laging naiisnatch or nawawala kasi laging latest model ang binibili o digi cam na lang?! At least sure na hindi mawawala ang sim card kung saan naka-store ang numero ng mga friends mo at  taglay ang  cp number  mo na kinokontak ng mga mahal mo sa buhay. Plus the fact na titigil na sa pagtatrabaho parents ko at pwede  na silang mainip. Para sunod sa uso...Photography ang gawing hobby!

Kung ikaw may 5M na dapat gastusin monthly? Hindi ba pressure yun? Teka, anu na gagawin ko sa 738M minus 50M? 688M... naku po! 688M NA LANG!!! Panic mode na ba? Kanina 738M pa, para nagsulat lang ako saglit ng plano ko...688M NA LANG AGAD? Tsk! Tsk! Samantalang kung bibigyan ako ng 20k e carry ko na mabuhay sa loob ng isang buwan. Di pa nga lumilipas ang 24hrs ubos na ang 50M ko? Take note... after 10 months pa uli tayo makakakuha mula sa 738M kasi inadvance ko na ang 50M. Remember...allowed lang tayo gumastos ng 5M monthly. Talagang implemented agad yung policy? Ehehehe

This is the truth: anu man ang challenge mo sa buhay, money is not the answer to resolve it. Money itself is a problem. May pera sa wala, may problema. Marami sa atin naniniwala, kung may pera lang sana ako...ano? Ano kung may pera ka aber? Si Bill Gates imposibleng hindi namrublema sa kasagsagan na siya ang richest man in the world.

Siguro kaya hanggang ngayon wala pang nananalo sa lotto. Hindi pa pinapahintulot ng nasa taas kasi lahat siguro ng tao nasa isip nila na kapag napasa kanila ang almost 1B Pesos na ito... hindi na nila alam ang gagawin. Imbes mapanuto ang buhay e nagulo. Kung sakaling alam man nila ang gagawin sa 738M, then congratulations! Ikaw ang karapat dapat manalo.

Sa mga magiging  milyonaryo dahil sa lotto sa paglipat ng taong ito, keep your life simple, grounded and happy.  Use the money to secure your future. Let's avoid "Ubos ubos biyaya, Bukas nakatunganga!" Money can't buy the most precious things in life: true love, true happiness & tranquility. 

This is my very first blog. Naengganyo lang ako kasi 12midnight na and i can't let go of the thought kung anu gagawin ng taong mananalo ng 738M. Does 738M is really a fortune to thank for or the root of winner's misfortune?